Huwebes, Setyembre 3, 2015

Ang Ama

        Ang ama, haligi ng tahanan. Nagtataguyod sa pamilya para mabuhay. Taga-gabay sa aming magkakapatid. Ang ama ang pundasyon ng pamilya.
       Kasabay sa pagsikat ng araw at pagtilaok ng manok ay ang kanyang paggising. Nagtungo sya sa lababo upang magsaing ng kanin. Nagluluto ng ulam. Hinahanda nya ang hapagkainan para sa pamilya. Aalis sa umaga at babalik sa bahay na may dalang panghapunan. Ang kanyang oras sa pahinga ay tinatrabaho sa bahay.
Siya ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay sa tuwing sya ay umuuwi.
        Kinabukasan ay binuksan nya ang kanyang laptop upang tingnan ang mensahe ng kanyang tatay at ina. Silang dalawa lng ng kanyang kapatid sa bahay ang magkasama dahil nasa malayo ang kanyang magulang.
Papasok na siya ng eskwelahan at pagkatanghali kinukuha niya ang pinapadalang pera ng kanyang ina.  At pagkatapos ng klase ay diretso uwi sa bahay. Siya ang nag aalaga sa kanyang  kapatid dahil sa kanyang tungkulin bilang nakakatandang kapatid.

Biyernes, Agosto 28, 2015

     Sa aking mga kaklase at sa aking guro sa Filipino , Magandang umaga po sa inyong lahat..
     Magandang Kalikasan at Mapagmahal na tao, Asan kayo??
     Nilikha ng Diyos ang tao para pangalagaan ang kanyang mga likha. Ginawa ng Diyos ang Kalikasan hindi para sirain o tapaktapakan. Dapat ang ating kalikasan ay pinapangalagaan. Kung isa kang taong binibigyang importansya ang nilikha ng Diyos na Maykapal, maiintindihan mo ang aking sinasabi, mararamdaman mo ang aking pinapahiwatig at alam mo ang gusto kong sabihin. Ang kalikasan ay maihahalintulad mo sa isang sanggol. Malinis, walang kasalanan at nakakatuwang tingnan. Ngunit sa paglipas ng panahon maraming magbabago sakanya at sa maraming ito sisiguraduhin kong hindi ka matutuwa. Ang kalikasan ay parang isang tao rin na marunong masaktan. Siguro kung naririnig lang natin ang sigaw ng kalikasan ay binging-bingi na tayo. Kung nakakapagsalita lang siguro ang kalikasan ay matagal na tayo nitong kinausap.
      Tao? Hindi ka ba naawa sa ginagawa mo? Hindi sa lahat ng oras ay nandiyan ang kalikasan para suportahan ang lahat ng pangangailangan mo. Pinahiram ng Diyos ang kalikasan sa ating mga tao hindi lang para sirain ng tao!!!
       Isipin mo na lang ang aking sinasabi na ang lahat ng bagay ay may katapusan hindi lang ang tao pati ang ating hindi binibigyang importansyang KALIKASAN!!!!